๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐๐ผ๐ด-๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ข๐ฟ๐ฆ๐จ, ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ฑ๐๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ

Mati City โ Pormal nang binuksan ng Davao Oriental State University (DOrSU) ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon sa pamamagitan ng seremonyal na pag-ilaw sa Bantayog-Wika sa harap ng Administration Building ngayong araw, Agosto 4.
Pinangunahan ni Dr. Marevic Jean P. Lutog, Program Head ng BSEd-Filipino, ang pagpapakilala at pag-ilaw sa simbolikong estruktura na layuning ipaalala ang kahalagahan ng wika sa pagkakakilanlan ng bawat Pilipino.
โAng Bantayog-Wika ng Mandaya ay hindi lamang isang monumento,โ ani Dr. Lutog, โkundi isang sagisag ng makukulay na kaalaman, kaugalian, at kasaysayan ng mga Mandaya.โ
Ibinahagi rin niya na ang nasabing estruktura ay ikatlong Bantayog-Wika sa bansa at kauna-unahan sa Mindanao, na itinayo noong Hunyo 19, 2018, sa ilalim ng programa ni Senadora Loren Legarda at ng Komisyon sa Wikang Filipino, katuwang ang DOrSU.
Nagbigay ng pambungad na pananalita si Dr. Cheryll L. Bautista, Vice President for Academic Affairs. Aniya, โIto ay hindi lamang isang simpleng pagdiriwang, kundi isang panahon ng paggunita sa ating pagkatao bilang isang sambayanan. At ang bayang may pagpapahalaga sa wika ay bayang hindi kailanman matitinag.โ
Binigyang-diin naman ni Dr. Raymund M. Pasion, Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura, ang papel ng mga katutubong wika sa pagpapanatili ng lokal na identidad:
โNawaโy bilang mga guro, kawani, at mag-aaral ng DOrSU, itaguyod natin ang ating wikang pambansa at mga katutubong wika. Huwag natin ikahiya ang paggamit ng wikang Mandaya, Mansaka, Manobo, o Kaganโsapagkat ang wikang hindi ginagamit ay unti-unting nakakalimutan, hanggang sa tuluyang mawala.โ
Nagbigay rin ng mensahe si Dr. Roy M. Padilla, Pangalawang Pangulo ng Unibersidad, bilang pagpapakita ng suporta sa adhikain ng programa. Sa kanyang pahayag, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng wika bilang pamana ng sambayanan:
“Ang ating mga katutubong wika ay hindi lamang mga salitaโito ang puso ng ating pamayanan. Ipamana natin ito sa ating mga anak, hindi lang bilang wika kundi bilang pamana ng tapang, tradisyon, at isang mapayapang kinabukasan.”
Samantala, ipinrisinta ni Hasmera M. Pacio, MAEd, ang mga aktibidad at patimpalak para sa buwan ng selebrasyon.
Sa panapos na pananalita, hinikayat ni Dr. Helina Jean D. Dupa, Dekana ng Faculty of Teacher Education, ang mga mag-aaral na aktibong makilahok sa mga gawain bilang pagpapakita ng suporta sa wikang pambansa. (DOrSU PIO)